The Perfect Bad Boy -
Chapter 34 Pakipot
Para akong namatayan ng mga sumunod na araw. Kung hindi ako nagkukulong ay nakatitig lang ako sa kisame. Sakto naman na sembreak ngaun. Mabuti naman. Kasi wala akong lakas na pumasok. Ilang araw ko na din pina- iisipan na lumipat nalang sa ibang university. Kaya lang naisip ko mag uumpisa na naman ako. Tsaka sayang yung scholarship ko. Uugh! Nakakafrustrate talaga ang buhay ko.
Nakakatawa lang, dati naman never ako nafrustrate sa buhay ko kahit mahirap ako. Pero itong sakit ng puso ko? Hindi ko alam na ito pala ang magpapahina sa akin ng ganito.
Apat na araw na. Hindi din ako pumapasok sa shop ni Dom. Naiisip ko nga baka tinanggal na niya ako.
Umupo ako sa tapat ng bahay namin. Nakatulala akong pinagmamasdan ang mga batang naglalaro. Ganito ako noon. Masaya, walang problema. Minsan ang sarap palang maging bata noh? Alang problema. Naisip ko din. Napaka powerful pala talaga ng LOVE, biruin mo, isang salita, apat na letra. Pero may power siya na buuin at wasakin ka.
Malakas ako. Pero hindi ko alam na iyang apat na letra na yan ang magpapahina sa akin.
Beeeeeeeeeeeeppppppppppp!!!!!
Napalundag ako bigla sa lakas ng busina ng sasakyan sa harap ko. Ganon ba ako kalutang?
"Julia!" Kumunot ang noo ko kay Athena. Kaninong sasakyan ang dala niya? Bumaba siya sa sasakyan na malaki ang ngiti. "Aren't you excited to see me?" Ngumuso siya. Natawa nalang ako ng mahina at umiling. Para talagang bata si Athena. "Ano ginagawa mo dito?" Tumayo ako at nagpagpag ng kamay. Nakasalampak kasi ako sa bakod na medyo maalikabok. Inaya ko pa nga siyang pumasok sa loob ng bahay. She's all smiling habang papasok kami. She never mentioned anything about the last time we saw each other.
"Aayain kita sa mall." Malaki pa din ang ngiti niya. Mall? Gastos lang iyan. Magagasta ko lang ang inipon ko para sa pasukan. "Nasan pala si Kimmy at si nanay?" Pahabol na tanong niya. Nasa kusina kasi ako para ipagtimpla siya ng maiinom. Nilapag ko ang juice na tinimpla ko. "Nasa bayan. Nagtitinda." Tipid na sagot ko at umupo sa tabi niya.
Naglibot libot kami ni Athena sa mall. Wala naman akong magawa at hindi ako nilubayan ni Athena. Panay pa ang tingin niya sa relo niya kaya nagtataka ako.
"May lakad kaba, Athena?" Lalo akong nagtaka ng napalundag siya sa tanong ko. Ang weird niya.
Alanganin siyang ngumiti sa akin." A-ala naman.." Hinila niya ako bigla. Nagkibit balikat nalang ako sa kanya.
"Manood nalang tayo ng movie? Or mag shopping? Ay manuod nalang?" Tarantang sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. "Okay ka lang ba talaga?" Nag alala tuloy ako bigla sa kanya.
"Oo n-nga.." Huminga siya ng malalim. "Tara, kumain nalang tayo.." Hinila niya ulit ako. Muntanga si Athena. Kahit ganon ay nagpahila nalang ako sa kanya.
Pumasok kami sa Starbucks. Umupo lang ako sa sulok habang pinagmamasdan si Athena na umorder at mukang natataranta.
"So," pagkaupo ni Athena ay napapoker face nalang ako. Para kasi siyang natatae na hindi mo maintindihan.
"Sigurado kabang ayos ka lang?" Pag ulit ko sa kanya. Huminga siya ng malalim. Nakaktitig lang ako sa kanya.
"Actually, may purpose talaga ako kung bakit kita inaya dito." Finally, she spilled it out. Alam ko naman. Kanina ko pa nadadama. Wala kasi siya sa sarili niya. Dumating ang order niya para sa amin. Uminom muna si Athena bago nagsalita.
"It's about the party." Panimula niya. Nawala agad ang ngiti ko dahil doon. I don't want to talk about what happened. Kasi masakit eh. Hindi pa ako nakaka move on. I felt that I was humiliated that time. At hindi ko inaasahan lahat ng pasabog at nangyari noong gabi na yon.
"Athena.." Malamig na sabi ko. Sumeryoso ang mukha ni Athena.
"Could you please listen to me first, Julia?" Iritbaleng sagot niya kaya nalaglag ang panga ko. Bahagya kasing tumaas ang boses ni Athena na hindi naman niya nagagawa sa akin kahit kailan.
"That party was supposed to be yours.." Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Ayoko nang sumagot at baka mairita siya. Tumingin siya sa akin.
"The Princess gown, the Knights costume. It was Glen's idea.." Poker face lang akong nakikinig sa kanya. Ano naman ngaun? Nasaktan pa din niya ako. Ano akala niya? Na, kapag nalaman ko ang totoo, everybody happy na?
"Mag so-sorry siya seyo kasi mali siya. The day before the party, Simon's got back. Nag-away pa nga sila ni Glen. Doon nalaman ni Glen ang totoo. Hindi si Simon ang may pakana ng video."
Eh sino ang may pakana ng video na yun?
Yan din ang tanong ko eh. Sino ang naglabas ng ganon video?
So ala siyang tiwala sa akin? Hindi ba niya ako kilala? Hindi ba niya alam na hindi ko kayang gawin iyon sa kanya?
"Maggie was here dahil nabalitaan niya ang nangyari. She knows everything, Julia. She was here for Glen." I smiled bitterly hearing her name. Kahit sino pa ang lumapit kay Glen, ala lang sa akin dahil kilala ko si Glen. Pero si Maggie? I don't know. Kasi alam kong minahal siya ni Glen.
"Kailangan may halik pa sa noo ni, Maggie?" Matabang na sabi ko. Hindi ko kasi maiwasan na magselos. Hello? Maggie was his first love.
Humalakhak si Athena kaya kumunot ang noo ko. " Ganon talaga sila, Julia. Kahit nga si Dom ganon kay Maggie. They were childhood friends remember? It's just a normal thing to them."
"Excuse me. She was Glen's first loved." Iritableng sabi ko. Tumawa na naman si Athena. Buang na babae!
"Was, past tense. Can you just admit that you are just jealous? Kahit hindi naman dapat. Kaya nga ako nandito to explain things."
"Inutusan kaba ni, Glen?" Matabang ulit na sagot ko. Mabilis na umiling ai Athena.
"You don't need to explain. Abogado kaba niya?" Nakaramdam na kasi ako nang iritasyon.
"I want to. You need to hear it out," seryoso na ulit si Athena. Minsan nakakatakot din siya. "What for?" Sagot ko.
"To lessen your agony, Julia. I'm your friend. I love you as my friend. Gusto kong maayos ang kayo ni Glen coz you both deserve to be happy."
"Bakit ikaw ang nag aayos?" Kung mahal talaga ako ni Glen at gusto niya na maayos kami, bakit hindi siya ang humarap sa akin?"
"Kasi walang gustong kumilos sa inyo. How can you fix the broken if no one wants to build it again? Yung gabi ng party, Simon was there to apologize, kaso, nagwala ka na parang tigre! And about Glen pulling Kristele up instead of you, it was a big mistake. Diba mag kamukhang magkamukha kayo ng damit noon? It was supposed to be you to be saved by the Knights, ang kaso, nalito siya kaya napagkamalan niyang ikaw si Kristele." Mahabang pahayag ni Athena. Natahimik ako. Yun kasing part na yun ang pinakasakit sa akin eh.
I thought mas pinili niya si Kristele. Akala ko talaga pinabayaan niya ako. Bakit ba kasi magkamukha kami ng damit?
"Saan mo ba nabili yung damit ko?" Hindi ko alam kung bakit yan ang nasabi ko. Kumunot ang noo ni Athena.
"It was given by, Trixie.."
Trixie.. I shooked my head. It can't be..
"You know what happened to Glen, Maggie and Simon, right? You can't blame Glen for acting that way. Alam mo ang pinagdaanan niya."
"Are you done?" Malamig na sabi ko kay Athena. What's the point kung nalaman ko? Ala naman diba? Ano yun? Hahabol ulit ako kay Glen? I did my part. Hinabol ko siya. Pero ano? Ala naman akong napala diba? Nasaktan lang ako at nawasak.
Natutuwa ako kay Athena. Tama nga naman ang kasabihan. What goes around, comes around. Nawala man si Trixie. Pero napalitan ni Athena. At nag papasalamat ako dahil naging kaibigan ko siya. "Yan lang ang masasabi mo?" Gulat na gulat si Athena na para bang may mali sa sinabi ko.
"Ano ba dapat?"
"Haaays!!" Ginulo ni Athena ang buhok niya." Naiintindihan mo ba kung bakit kita kinausap?"frustrated na sabi niya.
Tumango ako. "Loud and clear." Umirap si Athena dahil iritang irita sa pamimilosopo ko. Kung kinausap niya ako to make a move. Sorry, I wont do it again.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Do you still love him?" Natigilan ako. What a question. Of course, I do. Hindi naman yun mawawala kahit masaktan ka ng paulit ulit. If there's no pain, there's no love. But I know better.
"Mali ka naman ng tanong, e. The question is, if he still love me.." Sagot ko. Ngumuso si Athena. Kumunot pa nga ang noo ko kasi nakatingin siya sa likod ko.
"What If I say I do. I still fucking love you." Halos mabuga ko ang frappe na iniinom ko. Napapikit pa ako ng humagalpak ng tawa si Athena. What is he doing here? Is this a set up? Halos mapatay ko na si Athena sa sama ng tingin ko. Hindi ako makagalaw ng biglang lumabas si Dom at naupo sa tabi ni Athena. Ako naman ay naestatwa yata ng inayos ni Glen ang upuan at umupo ng pabaliktad sa gilid ko. Amo'y na amo'y ko ang hininga niya na mabango. Napansin ko din sa peripheral vision ko ang kumikinang na maliit na diamond earing niya.
"I'm sorry, Julia.. I'm sorry for everything, baby.." Hindi ako nagsalita. Ang sincere kasi ng boses niya. Parang ayokong maniwala. Parang ayokong tanggapin. Pero ang pesteng puso ko ay humahataw na naman! Ugh! Ang unfair! "I'm sorry if I doubted you.. I'm sorry for being jerk. I should have trust you.. I missed you so badly, baby.."
Napakagat ako sa labi ko. Ang bilis na naman kasi ng tibok ng puso ko. Taksil na puso! Kanina lang durog ka diba? Bakit apura ang paglundag mo ngaun?
Hindi ako kumibo. Natatakot kasi ako ma bumigay ako agad. Masakit kaya yung ginawa niya sa akin. Hindi ko naman siya pwedeng sumbatan. Kasi kahit siya mismo aminado na masama talaga siyang tao! Asan ang hustisya sa pagkawarak ng puso ko? Ang daya diba?
"Julia," ang husky ng boses ni Glen kaya tumayo ang balahibo ko. Nakakakilabot. Dinampot niya ang frappe ko at walang sabi na ininom iyon. Doon na ako napatingin sa kanya. Alam kong namula ang pisngi ko dahil indirect kissed yun eh. Si Dom at Athena sa harap namin ay parang nanunuod ng Korea novela. Haays!
"I want you back, baby.. Mahal na mahal kita. Even if you broke me, you're still the one who can fix me." Nagkatinginan kami ni Glen. Sincerity is all over his damn gorgeous face.
"Earn me, then.." Sagot ko sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi niya na tila ba sumang ayon sa paghahamon ko sa kanya.
"Alright, then." Nanlaki ang mata ko ng punasan niya ako ng whipped cream sa mukha ko. Waahhh! Ang sama talaga niya. Halos kalahati ng mukha ko ang pinahidan niya. Tinignan ko siya ng sobrang sama. Tawa na ng tawa si Dom at Athena. Walanghiya talaga!
"Damn. Sobrang namiss ko yan pagtataray mo." Natatawang sabi niya.
"Bakit mo ginawa iyon?" Halos lumabas ang ugat ko sa mukha sa sobrang pagkairita.
"Ang pakipot mo kasi." Natatawang sabi niya kaya lalong umusok ang ilong ko.
"Silverio.. Tumakbo kana" pagbabanta ko. Dahan dahan akong tumayo at kinuyom ang kamao ko. Si Glen naman ay nanlaki ang mata at dahan dahan napatayo.
"Ano gagawin mo halimaw ka?" Tignan mo! Tignan mo! Kanina baby, ngaun halimaw na?
"Tumakbo kana kasi papatayin na kita.!!"
I can't believe it! kung kelan handa na akong mawala siya sa buhay ko tsaka siya babalik? At nakakainis dahil nauto na naman ni Mr. Demons ang puso ko. Uggh!
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report