Wildest Beast (Hillarca Series 01) -
Chapter 26
TAMA
"Azeria hija...I'm still mad the stunt my son did, but were still thankful that you and my apo are perfectly fine. I lost your...mom," pait itong napangiti. "hindi ko kakayaning...mawala ka sa piling ng anak ko at iisang tao na naman ang may gawa nito." Suminghap siya para pigilan ang luha nito, pero nagsibagsakan sila.
"Para akong binalik sa araw na 'yon nang, tumawag siya sa akin at sinabing na kidnap kayo..." hinigpitan ko rin ang pagkapit sa mga kamay niya. "I'll make sure that bastard will rot in hell!" ngayon ay galit na lamang ang mas nangingibabaw sa kanyang mukha. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito, si Papa Horace ang pumasok. Nilapitan niya si Mama Serena na nasa aking tabi, pinatakan niya ng isang halik sa tuktok ng kanyang ulo ang asawa.
Kumalma naman si Mama Serena. "Let's go baby, you need to rest." Masuyong bulong ni Papa Horace sa asawa.
"How about Azeria?" nag-aalalang wika ni Mama Serena. Sa sinabi niya ay napatingin sa akin si Papa Horace. "Rezoir's on the way hija, sinundo lang ang apo ko." tumango ako sa kanya.
"G-go ahead Mama...sumama na po kayo kay Papa," ngiti ko. "Rezoir are on his way, hihintayin ko na lang siya po rito. At saka, may bodyguard naman po sa labas ng pinto ng kuwarto ko." sa sinabi ko ay parang doon lang pumasok sa isip niya. Na may bodyguard nga sa labas, humugot ito ng buntong hininga. Sa huli ay napapayag ko rin silang umalis na para magpahinga.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Kanina ay umalis na rin sila Papa, para puntahan ang suspek. Dahil sa matinding gusto niya kay Mama, nagawa niyang kitilin ang buhay nito. Kaya pala...naging tahimik siya. Kasi plano na nilang isunod ako, na muntik ng mangyari. Dumausdos ang panibagong luha sa aking pisngi, my kind and beautiful mother.
Walang araw na hindi ko siya naiisip, sising sisi ako dahil ako ang mas pinili nito. Ang kaalamang namatay ito nung isilang ako, ang dating sa akin ay ako ang dahilan ng pag ka matay niya. Ngayon na naging malinaw ang parteng 'yon, mahirap pala...at mas masakit na walang awa siyang pinatay ng taong minsang pinagkatiwalaan niya.
"Dati rati, ako ang nagtatanggol sa kanya. Komportable kami sa isa't-isa...una pa lang nagkagusto na ako sa kanya."
But why did you kill her if you like her?
"Pero no'ng dumating siya...si Cessair Tacata, siya ang pumalit sa puwesto ko. Ako dapat, sa akin dapat ang bawat thank you at ngiti ng taong gusto ko."
Jealous, are words that sometimes destroy a hundred couple.
"Mahal na mahal ko siya...na ginusto kong putulin ang kasiyahang nakikita ko sa mukha niya. Na alam kong dahil sa iba at hindi ako."
That's shallow... it's not love. You're just succumbing to your jealousy...that it becomes dangerous.
"Akala ko magiging kontento na ako...ngunit nung malaman kong buhay ang bunga ng pagmamahalan nila. Gusto ko ulit putulin ang kasiyahan sa kanilang mukha..." demonyo siyang napatawa. Agad ko ng isinara ang laptop. You're a nice man...but you plan to become an evil one.
"I told you, you don't need to watch it." Tulog na si Rayver sa tabi ko. Inilapag ko ang anak ko sa aking tabi kanina at malalim na nga ang tulog niya, ang footage ay pangyayari lamang kanina. An interview with the suspek. Pait akong napangiti. "Hindi siya nagsisisi..."
"Because he planned it, all along that's what he wants...his murderer. Walang murder na nagsisisi sa ginawa niya, baby." Pinaglaruan ko ang mga daliri niya. Yakap ako nito patagilid, nakasandal ako sa kanyang dibdib. "I hate him...but why I'm hurting?"
"Because you now heard the side story..." he whispered.
"That love can be dangerous sometimes too..." "Y-yeah..."
"He looked me in the eye...longing. Bakit may mga taong...kayang magbago ng isang segundo? W-why does he need to kill my mom?"
"B-baby...hey, look at me," nasa baba pa rin ang tingin ko. Masuyo niyang inangat ang aking mukha, at siya na mismo ang nagpunas sa aking mga luha.
"I left you...because I love you..." bumigat ang paghinga niya. "You met a different type of woman...paano kung kagaya ni Mama, paano kung..." ang mga taong iniwan niya at sinaktan ay balikan kami? Namilog ang mata ni Rezoir nang makuha na ang sinasabi ko.
"B-baby...don't," iling niya. "Don't ever think to stay away from me...again, hindi ko na kakayanin. Hindi ko na kakayanin Azeria, I know that you are scared for now. I am scared as fuck too baby...pero huwag ka namang mag-isip ng mga ganitong bagay, mamamatay ako Azeria... hindi ko kayang mawalay kayo ulit sa akin. T-tama na...tama na ang mga bagay na walang katiyakan. Baby...ako naman...sa akin mo naman ipirmi ang atensyon mo oh." Napahagulgol ako nang puno ng pagsasamo at paghihirap ang kanyang boses.
"P-pro-protektahan ko kayo Azeria...baby...I will take care of you two...huwag naman ganito oh." Ngayon ay kandong na ako nito. Paulit ulit siyang bumubulong sa akin na tama na.
Isang oras na nawala sa aking tabi si Rayver no'ng hawak pa ako ng mga ito, kaya ang mga bagay na nasa utak ko ay may patutunguhan lahat. Oo, takot na takot ako sa puntong...takot rin akong maranasan muli ang tagpong 'yon sa kamay ng mga taong...alam kong gagawin lahat ng paraan para maputol rin ang kasiyahan naming dalawa.
Kaya hindi niya ako masisisi. Luha at pighati na lang ang lahat...kaya hindi ko na rin alam kung ano ba ang tamang gawin?
TANAW ang lupain ng napakalawak naming hacienda. Malalim ang aking iniisip na hindi ko namalayan ang pag pasok ni Nana Roda.
"Nasa baba ang pinsan mo Azeria, nangungulit kung kailan ka babalik sa Manila." Aniya. Nasa labas pa rin ang aking paningin, tanaw ang mga katiwala na abala. Bumuntong hininga si Nana sa aking likuran.
"Dalawang buwan na ang nakalipas Azeria...hanggang ngayon ba ay kailangan mo pa ng oras?" napahigpit ang pagkakahawak ko sa railings. "Hindi sa kwine-kuwestiyon kita, pero paano kung...makahanap siya ng iba? Kaya mo ba?" bahid na ng lungkot ang boses ni Nana. Hindi ko alam kung sinadya ba niya...pero naaapektuhan ako. "Marami pa namang maganda sa Manila."
"Nana," sa pagkakataong 'to ay humarap na ako sa kanya. Kunot ang noo ko, nitong nakaraang araw lang sila na mas kunilit na kinulit ako tungkol dito.
Yes... Rezoir's not here with us...because he gave me the space I want.
Alam ko, alam kong hindi naging madali na pagbigyan ang hiling ko. Nagtago ako sa kanya mahigit walong buwan...ngayon na humiling ako na bigyan pa niya ako ng oras. Nagsusumamo siya sa akin, pero sa bandang huli...hindi na rin siya tumanggi. "Tatawagan ko siya...kapag kaya ko na." napabuntong hininga siya.
"Matatag ang unang apo ng mga Hillarca...pero tandaan mo Azeria, may limitado rin pati ang mga taong matapang sa panlabas na anyo." Tumango ako kay Nana Roda, dahil naiintindihan ko naman ang sinasabi niya. Pang ilang ulit man nila akong kulitin, naiintindihan ko naman ng husto. "O' siya sige, anong sasabihin ko sa pinsan mo?"
"Pakisabi kay Theo na," humugot ako ng napakalalim na hininga. "Hindi na niya kailangang kulitin akong sumama, dahil kusa akong pa pa-maynila."
"Ikaw lang?" napanguso ako.
"Kami ng anak ko." ngumiti naman si Nana Roda.
"Sige, sasabihin ko."
May ngiti sa kanyang labi na nilisan ang silid ko. Agad naman na akong umalis sa kuwarto ko at pinuntahan si Rayver na nasa kanyang crib, mahimbing ang kanyang tulog. Kahit naman binigyan niya ako ng space, palagi siyang nagsasabi sa akin. Puro mensahe ang nakukuha ko, dalawang buwan na rin na hindi ko naririnig ang boses niya. Yes, I miss him hindi ko naman itatanggi.
"Mahal na mahal ka ng anak ko hija..."
Maraming bagay ang nangyari, kaya alam kong mahirap ibigay ang space na hinihingi ko. Pero, pinagbigyan niya pa rin ako. Ang akala ko sa pelikula o sa nobela na lang makikita ng gaya niya...pero kung sakali mang ako ang bida. Ang suwerte ko sa kanya...ang suwerte ko dahil may isang Rezoir Israel Hillarca akong nakilala.
Agad akong pumunta sa vanity mirror, doon ay nakapatong ang phone ko. Agad itong tumunog, senyales na may mensahe. At hindi naman ako nagkamali.
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Baby, did I disturb you? I just want you to know that I'm out of the country. Three weeks I guess, can you send me a picture please...wait for me okay. Tandaan mong mahal na mahal kita Azeria." Mahal na mahal rin kita Rezoir...
Hindi ako nagbibigay ng sagot sa bawat mensahe niya, pero ngayon ay sinagot ko ang mensahe niya.
"Take care..." ang siyang naging sagot ko sa mensahe niya. Ang alam ko ay nasa baba pa rin si Theo, ginawa na niyang parang isang biyahe ang Manila hanggang dito sa Romblon. Palagi na lang siyang narito sa hacienda. Kinukulit ako na bumalik na nga sa Manila.
"Aalagaan naman niya kayo e', ano bang kinakatakot mo?"
Siguro, natural lang na gumawa ako ng panandaliang desisyon. Na kidnap kami... pangyayaring kauna unahang naranasan. Oo, kahit sinong tao...ma tru- trauma kaya siguro ang lumayo sa kanya ay tama. Tamang umiwas muna, tamang lumayo muna...tama.
"Paano kung makahanap siya ng iba? Paano kung magsawa?"
Possible.
Alam kong hindi lamang isang pagbabanta ang mga sinasabi sa akin ni Theo. Malayo...ilang metro ang layo naming ng anak ko sa kanya...paano nga kung sakaling magsawa na siya? Kapag naiisip ko pa lang na humuhugot siya ng lakas sa iba at hindi...ako. Hindi ko kaya, ngunit sa tuwing napapatingin ako kay Rayver.
Tama ka Azeria. Tama ang naging desisyon mo...iyon lagi ang sinasabi ko sa sarili ko. Sa mga mensahe niya ako nakuntento, may pangamba man...pero may tiwala ako sa kanya. Hindi na ako nagtaka nang kumakatok na si Theo sa aking pinto. Busangot ang mukha nito. "Ano? Hindi ka pa ba sasama?" konting oras pa. Plano ko no'ng una, pero ngayong nalaman kong ilang araw siyang nawala. Siguro ang masilayan kaming mag-ina...sapat na para pawiin ang pagod nito. Sorry baby...sorry for pushing you away. Sa tuwing hindi ko na kaya, sa tuwing gusto kong mapag-isa. Sa puntong binabalewala ko na ang nararamdaman mo. Lagi mo akong iniitindi...hindi ka nagsasawa. Ngayon...ngayon ako naman...ako naman ang babawi.
"Pakisabi kay Nana Roda na tulungan akong mag empake." Wika ko. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko, laglag ang panga.
"Seryoso? Sasama ka na talaga sa akin?" palagi niya akong kinukulit pa tungkol dito. Ngayon na pumayag ako heto siya at gulat na gulat. Tumango ako. "Weh? 'Di nga? Totoo?" umiling ako sa kanya. "Oo nga, ikaw itong kulit na kulit sa akin. Alin ba talaga ang gusto mo, ang sumama kami o dito na talaga kami pipirmi ng anak ko." umiling siya agad at agad napahakbang papalapit sa akin.
"Ako na ang tutulong sa'yo!" ngiting ngiti na saad niya. Hinayaan ko naman siya sa gusto niya, naisip ko rin na baka abala rin si Nana. Kaya hindi na masama kung siya ang tutulong sa akin sa pagiimpake. Habang naglalagay ng damit sa maleta ay ang mga kaganapan naman sa Manila ang binabahagi niya. "Ilang ulit na nga na bumalik sa kompanya e', akala mo naman pinapahirapan ko ang kapatid niya. Pinapaupo ko pa nga sa kandungan ko minsan e', gano'n ako ka good boy!" agad siyang nakakuha sa akin ng batok sa mga pinagsasabi niya.
Ang tinutukoy niya ay si Lucia, at ang kuya nitong si Ravier naman ang sinasabi niyang bumibisita sa kompanya. "Baka naman totoong pinapahirapan mo si Lucia, kaya napabisita ang kuya niya." Agad namang kumunot ang noo niya. "Oo, hindi ko namang itinatanggi na sinusungitan ko siya noon at pinapahirapan pero hindi na kaya ngayon!" rason naman niya. Inirapan ko siya, e' 'yon naman pala e'. kahit noon pa 'yon the fact na pinahirapan niya noon si Lucia. Hindi pa rin mabubura na pinahirapan nga niya at sinungitan. Kilala ko si Theo, siya 'yong tipong maloko na tao pero mala dragon kung nagalit na husto. Napangito ako nang maalala ang mga senaryo sa kompanya ni Rezoir, una pa lang bad impression na ang masasabi ko sa kanya. Dahil talaga namang masungit ang pagmumukha niya at parang magaspang ang ugali, ngunit ngayon na parang ang laki nang pinagbago ng lahat.
Totoo iyong sinasabi nilang huwag husgahan sa panlabas na anyo, mahalaga at mas mabuti sa pangloob na anyo. "Do you really like her?" gusto ko lang kasing makasigurado. Mabait naman ang mga Hillarca, kahit saan mo itanong...wala silang mapipintas na iba. Dahil mabuti ang kanilang pamilya, lalo na sa mga mahihirap na pamilya. Kaya talagang kilalang respetadong angkan rito sa Romblon.
Kaya gusto kong malaman kung genuine ba ang pagtingin ni Theo kay Lucia. Dahil mahirap ang pinasok niya kung pinaglalaruan niya lamang ang feelings ng dalaga.
"Hindi naman ako magtitiis kung hindi ko gusto." Nakakagulat na nakakamanghang malaman na ang taong hindi seryoso. Kapag nagmahal pala...malalim ang nadarama. Sa kislap ng kanyang mga mata at saya ng kanyang mukha, no'ng sagutin niya ang tanong ko. Mahal nga niya si Lucia. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang kanilang istorya, pero sa isang Lucia Rauha Hillarca pala ang mahuhulog ang isang Thaddeus Echo Tacata.
A Hillarca and Tacata.
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Gulat na gulat si Nana nang makita ang mga bagaheng bitbit ni Theo. "O'? Akala ko ba...tatawagan mo kapag handa ka na?" naguguluhan niyang aniya.
"Sa Manila muna kami Nana, nasabi ko na rin kay Papa." Bahagya siyang naluha.
"Manang mana ka nga isa ina mo...pabago bago rin ang isip nito." Kung hindi man ako nagmana sa physical na anyo kay Mama. Ayon nga kay Nana, sa ugali naman ako nagmana sa kanya. Dahil tapos na rin ang kaso, nasa kulungan na ang may atraso. Mas pinili ni Papa na sa ibang bansa muna pansamantala, hindi sa gusto niyang makalimutan si Mama. Pero kapag kasi narito raw siya sa Pilipinas, maaalala lang niya ang lahat. Kaya pansamantala...sa malayong lugar muna siya. Kumbaga, parehas kami ni Papa na kinakailangan ng ilang oras...at naiintindihan ko siya.
We need a space in order the heal the pain and regrets in our veins.
Hinalikan ni Nana si Rayver sa noo, ngayon ay gising na siya. Magiliw itong ngumingiti. "Mag-iingat kayo ro'n Azeria, kung may problema ay nasa Manila ang mga pinsan mo. Huwag ka ring magaatubiling tumawag rito." Paalala niya. "Oo Nana, pansamantala ay kayo muna ang bahala sa hacienda."
"Nasa bakahan ang mga pinsan mo, mamaya ay sasabihin ko sa kanila ang pagluwas mo."
Sina Nashe at Dalea na ang nagpapatakbo sa kalakaran sa hacienda. Umuuwi naman ang mga tito ko rito pa minsan minsan. Kinagigiliwan rin nila si Rayver. Sabay kaming napatingin ni Nana sa gawi ng garahe, bumusina na ang sasakyan ni Theo. Hindi ko alam kung bakit madaling madali siya, muli ay nagpaalam ako kay Nana at maging sa mga katiwala. Tuwang tuwa sila sa naging desisyon ko.
Nagtataka kong pinagmasdan si Theo nang pa punta sa hacienda Hillarca ang daan na binabagtas niya. "Bakit tayo pa punta sa mga Hillarca, Theo?" tanong ko. Tinignan naman niya ako sa side mirror ng kanyang sasakyan. Nasa backseat kasi kami ni Rayver.
"Dadaanan muna natin si Lucia." Wika niya. Tumango ako, kaya naman pala madaling madali siya. Narito rin pala sa Romblon si Lucia. "Kasama mong lumuwas rito?"
"Oo."
Mabagal ang naging takbo ng sasakyang nang makapasok na ang sasakyan niya sa hacienda Hillarca. Napapatingin ang mga katiwala sa sasakyan, marahil nagtataka kung sino ang sakay ng hindi pamilyar na sasakyan. Gaya ko ay may bitbit rin na bagahe si Lucia. Agad na lumabas si Theo sa sasakyan, para tulungan si Lucia. Bahagyang napatingin sa aking gawi si Lucia, maybe Theo told him na sumama na ako sa pagkakataong ito.
Tinted ang sasakyan. Pero alam kung ako ang pinag-uusapan ng dalawa base na rin sa sulyap ni Lucia. Ang alam ko ay nasa hacienda Hillarca rin si Don Sebastian, hindi na ako bumaba dahil kasulukuyang dumedede si Rayver. Maybe, I will catch up with the Don next time. Agad akong binati ni Lucia, binati ko rin siya pabalik.
"Does my cousins know about this?" tanong niya.
"Hindi, kung alam ni bayaw. Hindi na 'yon mag-a-out of the country."
"Exactly," Segunda naman ni Lucia. Hindi ko na rin sinusuway si Theo sa pagtawag kay Rezoir ng bayaw, dahil sa totoo lang magkatawagan ang dalawa. Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula pero, napaismid talaga ako no'ng unang marinig ko ang tawagan nilang bayaw sa isa't-isa. Kung noon, pawang pormal ang pag-uusap sa pagitan nilang dalawa. Ngayon para silang magbarkada. "Hindi mo ba ipapaalam sa kanya?" nginitian ko si Lucia.
"Hindi. We will wait for him, kung maaari sana ay huwag niyo munang ipaalam sa kanya." paghingi ko ng favor. Muntik ko pang batukan si Theo sa sagot nito.
"Ay, mabuti na lang at nasabi mo na agad. Plano ko pa sanang ipaalam sa kanya, mabuti na lang talaga." Saka siya natawa. Hindi sa gusto ko silang magkaaway o ano, pero nakakapagtaka ang agarang closeness ng dalawa. "Don't worry, I wouldn't tell a single thing to him."
"Thank you."
Kulang man sa tulog. Pero gising na gising ang diwa ko sa biyahe. Ang anak ko naman ay tulog na tulog, may mga oras na tumitigil kami dahil narin sa puno na ang pampers ni Rayver. O di kaya ay gusto niya lang talagang huwag umandar ang sasakyan, hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa kay Theo. Anong oras kasi siyang nakarating sa hacienda, kaya alam kong gusto na rin itong makabalik ng Manila ng mas madali. Kaya nga lang ay tinutopak ang kanyang pamangkin, kaya ngayong tulog na tulog na si Rayver. Tuwang tuwa si Theo.
At hindi rin ako tuluyang nakakatulog dahil na rin sa mga tinatanong ni Theo pa tungkol sa pagbubuntis, kung hindi lang siya sinusuway ni Lucia ay aakalain kong buntis ito.
Hapon na no'ng makarating kami sa Manila. Tinulungan ako ng dalawa, sa pagbitbit sa mga maletang dala. Hindi na rin sila nagtagal sa lugar, dahil gusto na rin nilang magpahinga kaya hindi ko na sila pinilit. Ngayon na nasa loob ako ng tirahan ni Rezoir, ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Na para bang tama na narito kaming mag-ina.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report