Wildest Beast (Hillarca Series 01) -
Chapter 27
HACIENDA
"Do you want to lay in bed already baby?" pag kausap ko kay Rayver. Nasa may sala kaming dalawa, agad ko munang ipinahinga ang katawan ko sa sopa. "Kung ano ang itsura nang iwan ko ito, gano'n pa rin ang pwesto." wika ko. Malinis naman talaga ang bahay niya mag mula no'ng una, ngayon na nakabalik na ako rito. Plain naman na talaga, simple lang kumbaga. Pero ngayon nilibot ko ang mata ko, walang kabuhay buhay ang bahay.
"Now that's is too quiet, I wonder... will he be able to sleep at night?" pait akong mapangiti. Napabuntong hininga ako at tumayo na, sa master bedroom ako pumunta. Nilagyan ko ng unan side by side ang kama, bago ilapag si Rayver. "Are you comfortable baby?" he yawned. Hinalikan ko muna siya, bago binalikan ang mga bagahe sa sala.
Habang pababa ng hagdan, hindi ko mapigilang hindi mapatigil nang mapansin ang bukas na pinto. Sadyang hindi nasara o hindi lang talaga sinasara. Pag pasok ko, natuod ako sa kinatatayuan ko.
Kahit saan ko ibaling ang mata sa apat na sulok ng kwarto.
Pambata...
Nursery...
Sapo ko ang bibig ko at hindi napigilang hindi mapaluha. Nanginginig ang mga binti kong nilapitan ang mga laruan, mas nagbagsakan ang mga luha ko ng mapansin ang mga litrato na nakadikit sa mga pader. Theo...
"Why are you picturing him?"
"Bakit? Bawal bang kunan siya ng larawan?"
"No, but you're acting weird. Lagi mo na lang siyang kinukuhanan." kunot noo kong wika.
"Para sa documentation nga kasi 'to." ngisi ni Theo.
"Seriously? Pinagloloko mo ba ako Theo?" masama ko siyang tinignan. "why are you keeping on taking a photo? Para saan?" nagkibit balikat siya.
"Bawal sabihin."
Iyon lagi ang sinasabi niya pero hindi ko naman akalain na mag kasabwat pala ang dalawa. Lahat ng litrato ay galing sa hacienda, habang inisa-isa ko ang lahat. Hindi lang pala litrato ni Rayver ang nakadikit sa pader, maging ang mga litrato ko. Karamihan hindi pamilyar sa akin, pero natatandaan ko ang lugar kung saan ang mga 'to.
May mga iba na nasa hacienda, pero karamihan ay maging sa eskwela.
Really Rezoir?
Kung gano'n matagal mo na talaga akong kilala, at talaga pa lang tinangka mong lapitan na ako no'ng una pa lang. Dahil nga sa mga nangyari noon, na alam kung nagawa mo lang mga 'to dahil sa galit.
Pero ngayong accidentally na nakita at nalaman ko ang bagay na 'to, ibig bang sabihin hindi sa galit kaya nagawa mo ang lahat ng 'to?
Nang lapitan ko naman ang mga litratong nakasabit, sa likod nito ay sariling sulat kamay niya. Habang binabasa bawat letra, kumikirot ang bandang dibdib ko.
"Our eyes met halfway, but my stare can't get away."
"She's having a bad day, she glared at me."
"Where are you going, little miss?"
"She's good at riding a horse huh."
"She's good at everything, I'm glad she's suck at falling in love because I will go mad bad."
"Why are those fuckin' cousins her are so clingy?"
"Dare all you want baby, I know in the end you're for me."
May mga ibang litrato rin na kuha mismo sa kompanya niya. Ni hindi ko alam na patago niya pala akong kinukuhanan, mas marami ang mukha kong kunot ang noo. His good at teasing me and I easily got pissed off. Kaya mas marami talaga ang gano'ng litrato ko, dahil ka kikilala ko pa lang sa kanya sa mga araw na 'to. Mainit lagi ang ulo.
Nagtagal ako nang ilang minuto sa kwarto, ngayon ay nasa sala na ako hindi ko muna kinuha 'yong sadya. Bagkus ay sa kusina ako pumunta para buksan ang ilaw, pero napatalon ako sa gulat ng may ibang tao na bumungad sa akin.
"Ay kabayo!" gulat na bulalas ng matanda. Habang ako naman ay napatalon sa gulat. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mata niya, at biglang yumuko. "Naku! Pasensya na ma'am! Hindi ko planong gulatin kayo." she wave her hands in front of me.
Ilang segundo muna akong natulos sa kinatatayuan, bago makarecover sa pag ka gulat.
"Mind if I ask them who?" tumango siya sa akin.
"Ako po si Selma ma'am, matagal na po akong kasambahay sa mga Hillarca. Sumunod ako sa inyo dahil na rin sa bilin ni Don Sebastian." ayos lang naman sa akin na kaming dalawa lang. Ngunit dahil na rin dahil narito na nga si Nanay Selma, maganda na rin para may kasama ako.
"My name is Azeria Nanay Selma, you don't need to call me ma'am. Azeria na lang po." napakamot ito sa ulo. Pero nginitian naman niya ako.
"Sige, Azeria." sa likuran pala siya dumaan. "Kumain ka na ba?" wika niya.
"Hindi pa po, kararating ko lang rin."
"Hindi ito ang kauna unahang pagpunta ko rito sa Manila, minsan ay ako rin ang uma-asikaso rito. Lalo na kay senyorito Rezoir, kaya ako na ang bahala sa pagluluto hija."
"Sige po, pero hindi pa naman ako gutom. Magpahinga po muna kayo." umiling siya sa akin.
"Naku, hindi na. Mahimbing ang naging tulog ko sa biyahe, ayos lang ako."
"Kung saan kayo komportable Nanay Selma, it is okay if I call you nanay po?"
"Oo naman! Ayos lang, nanay rin kasi ang tawag sa akin ni senyorito Rajih. Kaya ayos lang."
"Rajih?" hindi ko mapigilang bulalas. Nakakagulat kasing malaman na gaya ko rin pala siyang kasundo ang mga kasamang katiwala sa hacienda.
"Oo hija, magkababata kasi sila ng pangalawa kong anak."
"Gano'n po ba, salamat po at narito kayo."
"Walang anuman." ngiti niya.
"Sige po maiwan ho ko muna kayo, i-aakyat ko lang ang mga gamit na dala."
"Ay sige sige, kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako."
"Sige po." hinayaan ko na nga si Nanay Selma.
Agad ko ng isinalansang ang mga damit sa walking closets. Mahimbing pa rin ang tulog ni Rayver, marami ang gamit na dala ko kaya inabot rin ako ng isang oras. Pagtingin ko sa oras ay alas siyete na, gabi na pala. Kinatok rin ni Nanay Selma ang pinto at nagdala nga ng meryenda, nagtagal siya sa loob kaya nag kwentuhan kaming dalawa.
Ilang minuto rin ang pag-uusap namin, kaya hindi na ako nagtataka ng abutin na ako sa gabi sa pagliligpit.
Sa banyo muna ako pumunta para maligo na, kahit nakaligo naman na ako kaninang umaga. Dahil na rin sa naglalagkit ang pakiramdam ko, naligo pa rin ako.
Pagbaba ko ay sakto namang naabutan ko si Nanay Selma na nakahain na.
"O' sakto naryan ka na pala Azeria hija, halika na. Kakain na tayo." gising na rin ang anak ko kaya, kalong ko siya ulit sa bisig ko. Napatingin siya kay Rayver.
"Kung gusto mo ay ako muna hahawak sa anak mo, mauna ka ng kumain hija."
"Sige po Nay, salamat po." maingat kong nilagay si Rayver sa kanyang bisig. Nang maayos na ay saka na ako nagsimula sa pagkain.
"Kamukhang mukha ang ama." natutuwang wika niya.
"Maraming nagsasabi na magkamukha nga po sila."
"Ilang linggo ulit na sa ibang bansa si Senyorito Rezoir hija?"
"Tatlong linggo po Nay, bakit po?" umiling siya sa akin.
"Tatlong linggo rin ako dito kung gano'n."
"Puwede naman po kayong bumalik na sa hacienda Nanay, ayos lang naman po kami rito. Saka malapit rin lang ang mga pinsan ko, kung sakali mang kakailanganin ko ng tulong."
"Naku, hindi. Bilin sa akin ni Don Sebastian na bumalik lang ako sa hacienda kapag bumalik na ang apo niya. Ang akala ko kasi isang linggo lang, dati rati kasi gano'n kapag pumupunta siya sa ibang bansa." "Malaking kompanya rin po kasi ang kikitain niya, kaya aabot sa tatlong linggo."
"Gano'n ba, ang rinig ko lang kasi ay importante. Hindi ko naman inakalang hindi basta bastang kompanya. Akala ko ang mga Hillarca na ang pinakamataas na kompanya," namamangha niyang saad. "Pumunta na po kayo sa main company?"
"Oo," tango niya. "pero isang beses lang, no'ng kinailangan kon ihabol kay senyorito ang naiwan niyang mga papel na kinakailangan permahan."
"Kilalang kilala niyo po talaga si Rezoir."
"Malapit na naman kasi sila sa mga katiwala hija, pero mas sanay nga lang ako sa kapatid nito." tumango naman ako sa kanya nang mapagtanto na si Rajih ang tinutukoy nito. "Babae o lalaki po ba ang pangalawa niyong anak, Nay?" iyong sinabi niyang kababata ni Rajih.
"Babae hija, Demetria ang pangalan niya." bahagya akong natigilan ng sabihin nitong babae ang pangalawang anak niya. Na kababata pa ni Rajih. Sa kanilang dalawa kasi ni Reign, si Rajih iyong tipong lalaki na nagsusungit lagi. Narinig ko minsan na pinagsabihan siya ni Mama Serena na huwag daw sungitan 'yong babae. Family friend 'ata. Hindi ako sigurado pero hindi ko pa nakikita 'yong babae, pero lagi raw siyang sinusungitan ni Rajih na hindi naman daw ginagawa sa iba. "Nag-aaral pa po?"
Just a heads up: Ebookex.com is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Oo. Sa katunayan nga ay pareho sila ng kurso ni Rajih hija, parehas na BSA ang kinuha. Kaya palagi rin talagang magkasama."
"Kasing ganda niyo po siguro siya." natawa naman siya bigla, nahihiya.
"Naku, marami ring nagsasabi hija." nagtatawanan kaming dalawa. Nang matapos na ako ay kinuha ko naman agad si Rayver kay Nanay Selma, para makakain na rin siya.
NATAPOS ang gabing 'yon na pa tungkol sa buhay ang na pag-usapan namin. Nakakatuwang kasama si Nanay Selma, kaya hindi na ako magtataka na palaging tambay si Rajih sa kanilang bahay. Siguro ugali rin talaga ng mga Hillarca na maging malapit sa iba, hindi sila 'yong angkan na mayaman lang. Nagpapawis rin sila kahit hindi halata ng iba.
Ang bilis ng araw at ngayon ay dalawang linggo na kami sa Manila. Isang linggo na lang makikita ko na ulit si Rezoir.
"Bakit kapag sa akin tumatawa ka? Mukha ba akong clown bud?" kunot noo na tanong ni Theo. Kasalukuyang narito sa bahay ang tatlo, kahapon rin ay dumaan rin si Lucia.
"Katawa tawa ka kasi kaya tumatawa si Rayver." saad naman ni Red.
"Sa gwapo kong 'to?" ngisi naman niya. Napaismid naman si Lucas na kagagaling lang sa kusina.
"Bawal magsinungaling sa harap ng bata." ani Lucas.
"Gago!" si Theo.
"Bawal rin ang mura sa harap ng bata." segunda naman ni Lucas.
"Ano ba dapat, mahal?" napa kamot sa ulo si Theo ng masama ko siyang tinignan.
"His not referring to price Theo," nang makitang seryoso ako ay pabiro naman siyang natawa.
"Don't say that again, baka 'yan pa ang unang sabihin niya imbes na Mama at Papa."
"Nagbibiro lang naman manang Azeria." nakakuha siya ng batok kay Lucas.
"Pasmado talaga bibig mo."
"Nagbibiro lang e', di naman mabiro." tunog na bata na saad ni Theo. Nakilala na rin sila ni Nanay Selma, plano rin pala ni Theo na sunduin ako. Pansamantala sa condo muna niya kami, pero dahil nadatnan niya si Nanay Selma. Ayon nabago na ang plano niya, at sinabing ayos naman daw at sumunod si Nanay Selma.
Bale alam na pala ni Nanay Selma ang mukha ni Theo, dahil na rin siya ang boss ni Lucia. Pang ilang balik na pala niya sa hacienda Hillarca, hindi namin alam na pabalik balik na pala siya ro'n.
"Hindi ka pa ba bumili ng dagdag na kagamitan ni buddy, Aze?" napabaling ako kay Red.
"Hindi na, kumpleto na ang gamit niya. Don't you dare to buy another again, aabot na rin sa taon ang pampers na binili niyong tatlo." nguso ko.
"Gusto mo bilhan pa kita ng sampung mall e'." si Theo.
"Ang hangin a', parang hindi umutang no'ng makalawa." pabalang na sagot ni Lucas.
"Bayad sa gas 'yon Leonardo." tawa nito.
"Kaya hindi ka magugustuhan ni Lucia, masyado kang kuripot."
"Ano?! Bigyan pa kita ng isang milyon e'! Sinong may sabing hindi niya ako magugustuhan?!"
"Oh? Seryoso ka na pala sa kanya, akala ko ba pawang pang opisina lang kayong dalawa? Payag ka na sa office romance?"
"Bakit ba ang tsismoso mo masyado Leonardo? Ano? Tinakbuhan ka nung modelo?" napa kurap kurap naman ako sa narinig.
"Kailan pa kayo nagkainteres sa mga babae?" kunot noong saad ko. Sunod kong tinignan si Red. "Ikaw Red? Meron na rin?" nagkibit balikat siya at hindi na nagsalita. Inakbayan ako ni Theo sa balikat. "Huwag kang mag-alala manang Azeria, dadalhin naman namin sila sa hacienda kapag sigurado na talaga."
"Aba dapat lang! Iyon ang patakaran, dadalhin ang taong sigurado mong siya na talaga sa huli sa hacienda Hillarca. Iyon ang gusto ni Lolo."
"Hindi mo naman sinama si Rezoir e', kusa siyang pumunta sa hacienda. Paano pala kapag hindi kaya 'nu?" masama ko siyang tinignan at agad na pinalo siya sa braso.
"Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig mo Theo!"
"What? Sinasabi ko lang naman ang totoo a', para ka namang tanga Azeria."
"Hindi ka sana magustuhan ni Lucia."
"Grabe naman pinsan, pinagkakaisahan niyo ako ngayon ah. Kung itakbo ko kaya itong pamangkin ko!" natatawa na lang ako bigla sa kalokohan niya. Theo is a typically a jolly person, kaya paborito rin siya ng mga kamag anak minsan. Ang gaan kasi niyang kasama.
Nasa gano'n kaming eksena nang ilapag ni Nanay Selma ang meryenda. "Salamat Nay, mag merienda na rin po kayo." saad ko.
"Sige lang hija." ngiti ni Nanay Selma.
"Nanay Selma, may anak po ba kayong babae?" tanong bigla ni Theo.
"Meron hijo, ang pangalawa ko ay babae." tumango tango si Theo. Agad ko namang itinulak ang noo niya gamit ang daliri.
"Kung anu-ano na naman siguro ang sasabihin mo Theo!" ismid ko.
"Nagtatanong lang e', baka naman pwede niyong ireto sa pinsan ko," sabay akbay niya kay Lucas. "Iniwan kasi siya nung modelo." ngisi niya. Muli ay nakatanggap na naman siya ng malakas na batok kay Lucas.
"I am not searching idiot!" seryosong tugon ni Lucas.
"Oh? E' di totoong iniwan ka nga?" masama siyang tinignan ng isa.
"Naku, hindi ako nagre-reto hijo. Aba, kung gusto ng isang tao ang anak ko. Sila mismo ang lalapit at huwag ng dumaan sa akin, dahil sa huli hindi naman sa akin manggagaling ang sagot e'." "Oh, deretsuhan na Lucas. Grab na agad."
"Siraulo ka talaga, pinsan ba talaga kita?" pikon na saad ni Lucas.
"Nagbibiro lang e'," nginitian niya si Nanay Selma. "Joke lang Nay, nagjo-joke lang po talaga ako." natatawa na umiling si Nanay Selma.
"O' siya iiwan ko muna kayo. Mag merienda lang kayo diyan, huwag mag pikunan ah."
"Huwag kayong mag-alala Nay, ganito na po talaga sila." saad ko. Tumango tango naman siya at kalaunan ay iniwan na nga kaming apat, at ipinagpatuloy nga niya ang gawaing iniwan.
"Ano Azeria? May plano ka bang mag trabaho? Pwede ka sa kompanya." biglay ay bukas ni Theo.
"Hindi muna. Napag usapan na rin namin ni Papa, and Rezoir know it too. Napag usapan namin ang tungkol diyan."
"Sa susunod na linggo na darating ang asawa mo."
Asawa.
Were not married yet, pero sa tuwing nasasabihan akong asawa ni Rezoir. Hindi pa rin matigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko, sa una hindi sanay. Pero ngayong totoo na talaga ang lahat, nasanay ako paunti-unti. "Yeah, are you sure you didn't told him about us being here?" nakataas na kilay na tanong kay Theo. Knowing how close they are, hindi imposibleng hindi niya masabi kay Rezoir ang tungkol sa bagay na 'to. Napanguso siya. "Siyempre hindi! Grabe ka naman manang Aze, alam ko namang tumupad sa usapan." "Talaga lang ah." Red commented.
"Oh bakit? May usapan ba tayong hindi ko tinupad ha? At, commented ka agad diyan." baling ni Theo kay Red.
"Marami. Ikaw nga hindi mo na maalala e', gano'n karami."
"Oh e' ano ngayon? I-kiss ba kita bruh?" agad umasim ang mukha ni Red. Minsan talaga hindi rin talaga maiwasang gusto ng i-duck tape ang bibig ni Theo.
"The deal was sealed." agad lumipad ang mata ko kay Lucas. "Baka mapaaga ang uwi ng asawa mo." aniya.
I was happy na maayos naman ang bagay na pinunta ni Rezoir sa ibang bansa. Now, I'm expecting for his sudden arrival. Napatingin ako kay Rayver. Baby, you will now see your daddy. As what everybody says kamukhang kamukha mo nga
siya.
"I will go to hacienda Tacata next week." wika ni Red.
"Oh bakit? Anong gagawin mo do'n?" si Theo.
"I'm going to check the villa," we have our own villa. Located also at Romblon, may pag ka malayo nga lang sa hacienda. Tumango tango si Theo, marahil ay utos ni tito. I heard under renovation ang villa.
"Paano kapag kinasal ka na Aze, sa villa ka rin ba magpapakasal katulad nila tita?" tanong ni Red. Sa villa kinasal sila Mama at Papa, bale sa villa sila unang kinasal but the second time around sa church na. "Why did you marry her again Pa?" I asked him no'ng kauna unahan kong malaman ang tungkol sa bagay na 'yon.
"Because I want to marry her over and over again." ngiting Wika ni Papa.
"Is once isnt enough?" sa murang edad. Hindi ko makuha 'yong point, but now that I am older enough. That's why... naiintindihan ko na ang mga salita niya.
"Kapag hulog na hulog ka na talaga, sa panibagong umaga at sa panibagong umaga na naman. Para bang kung maaari ay araw-araw ko siyang pakasalan."
"I want in hacienda, not in the villa." gulat sila sa naging sagot ko.
"H-hacienda? Sa hacienda Tacata o hacienda Hillarca?" sa tanong ni Theo ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
"Boundary, the boundary of the two hacienda's." natutuwang sagot ko.
"You surely into that place." wika ni Red sabay iling. They say it's normal to forget about our childhood memories, pero isa ito sa aking napansin. Those dreams, dreams where I was at that place. Doon... some memories have been recalled. Tama si Red, I'm really into that place. Gusto kong doon ako ikasal, dahil naaalala ko na doon ko unang nakilala si Rezoir. Were accidentally bump to each other, hindi ko alam kung bakit kaya nakalimutan ko ang ala-alang 'yon? Because really, that time malakas ang tibok ng puso kong bumalik sa hacienda. Merong nakapaskil na ngiti sa labi, tuwang tuwa kahit pa na matinding hiya ang naramdaman kanina.
Bakit kaya nakalimutan mo ang pangyayaring 'yon Azeria? Sa araw na 'yon mismo, kahit ang bata ko pa. Doon ko unang naranasan ang pag pula at pag-init ng mga pisngi, na naririnig ko lang sa mga katiwala. Sa araw na 'yon ako unang nagkaroon ng crush, which that persons is Rezoir.
If you replace any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report